REBUTTAL to MY OPPONENT Lowed Montebon’s ANSWER #2
(Tagalugin ko na para malinaw sa lahat na babasa)
Sa ikalawa kong tanong, nais kong ilatag sana ni Lowed Montebon ang kaniyang matibay na pruwebang may saysay at makatotohanan kung bakit tinawag niyang Anti-Kristo ang mga Muslim, JW, INC at iba pa at lalo na sa kaniyang huwad na paratang sa akin, pero walang ipinakita si Lowed Montebon kundi kino quote lang muli niya ang paratang nya mula sa Matt. 24 .
Sinabi nya pang ang hindi daw nagpapahayag si Jesu-Cristo daw ay naging tao ay ang mga anti-cristo subalit hindi ganun ang pagkasabi ng Biblia nito kundi ito’y huwad na paratang ang pambabaluktot sa nasusulat dahil ang sinabi ng 1 Jn. 4:2 ay “si Jesu-Cristo ay naparitong ayon sa laman” na malinaw na tumutukoy sa kataohan ni JESUS bilang Cristo o Tao.
Ipinakita muli ni Lowed Montebon ang kaniyang pagiging ignorante sa katotohanan at wala siyang takot na baliin at palitan ang nasusulat ng kaniyang sariling unawa.
Ang salin na pinili ni Lowed Montebon ay ang Bible Society Tagalog version ng 1 Jn. 4:2 na malinaw na trinitarian bias na malayong malayo sa orginala greek manuscript nito at sa majority ng mga naunang mga Bible versions na nagkatawang tao daw ang Dios taliwas sa sinabi ng English translation “.Jesus Christ has come in the flesh…” at “Jesu-cristo na naparitong ayon sa laman…”.
Pinili ni Lowed Montebon ang maling mali na version na ang Dios daw ay nagkatawang tao. Ang Dios ay Espiritu, hindi inisip ni Lowed Montebon na ang Espiritu kailanman hindi magpalit at maging laman kundi mananatili itong espiritu sa kalagayan. Dahil dito, pinili ni Lowed Montebon na gawing mutant o nag mutate ang Dios, o transformer o nagtransform ang Dios from Spirit to becoming flesh which cannot be!
REBUTTAL TO MY OPPONENT Lowed Montebon's ANSWER #3
a) Inaamin ni Lowed Montebon na walang direkta daw na sinabi ang Biblia na ang Dios ay nagkatawang tao at ito’y malinaw na mula ito sa haka haka lamang ni Lowed Montebon galing sa mga taong pinagbabatayan niya na doon siya kumuha ng impluwensya, ang mga nagtuturo na kasama ng Dios Ama ang Dios Anak.
Malinaw ito sa bias na translation na ginamit ni Lowed Montebon na wala siyang ginawang malalim na pagsisiyasat dito lalo na kong ano ang tunay na sinabi ng original Greek manuscript ng John 1:1 dahil panig sya sa aral ng mga trinitarians. Ang “LOGOS” ay expressed thought of God o panukala ng Dios mula mismo sa Strong’s Concordance nito. Ang sinabing kasama ng Dios mismo buhat pa sa simula ay ang kaniyang panukala o plano sa pagliligtas sa pamamagitan ng Anak.
b) Dahil walang maipakitang patunay na mga talatang magpapatibay ng tindig ni Lowed Montebon, bakit ko daw hinahanap ang word for word na sinabi nito ang Biblia. Mahigpit itong bilin ni Solomon tatawagin kang sinungaling kong dagdagan mo ang nasusulat, ni Pablo na wag lumabis sa nasusulat, ni Juan na wag magbawas o magdagdag sa nasusulat at pinatunayan mismo ng Panginoon lahat ng kaniyang sinasabi ay “nasusulat” at hindi mula sa kaniyang sarili.
c) Umamin muli si Lowed Montebon na si Jesus noong siya ay nasa lupa gumanap bilang Cristo o tao ay walang sinabing siya ay Dios at wala din siyang sinabing sambahin siya dahil isa nga lang ang dapat sambahin, walang iba ang Dios na siyang Espiritu, ang Ama.
Panay huwad na paratang ang lumalabas sa bibig ni Lowed Montebon ngunit sa kaniya din pala bumabalik ang mga ito, na ang mga sinasabi nya ay bagsak sa logic o hindi ginamit ang utak (kung meron nga).
REBUTTAL TO MY OPPONENT Lowed Montebon's ANSWER #4
NO ang sagot ni Lowed Montebon o hindi siya naniniwala na kasama ng Dios Ama ang Dios Anak mula mismo sa paborito nyang bible translation na Dios daw ang Salita na kasama din ng Dios samantalang ito ay LOGOS o ang panukala ng Dios hango mismo sa original Greek manuscript.
Sa paliwanag na sagot ni Lowed Montebon, malinaw na di ito angkop, at muli na ginamit nya ang salitang “separate person” na hindi naman ito ang pinaniwalaan o gamit ng Oneness of God believers o maging ginamit ko.
Gumamit muli si Lowed Montebon ng analogy daw pero pinatunayan din niyang walang saysay ito o ito ay palpak na analogy. Kinompara ni Lowed Montebon ang boses daw niya sa LOGOS na tinawag din nyang boses ng Dios. Hindi tinatanong kung ang pinanggalingan ba ng LOGOS ay Dios kaya hindi rin angkop na gamiting halimbawa ni Lowed ang boses nya ay pwede bang tawaging Dios o ang salita ba nya ay pwedeng tawaging tao dahil siya ay tao.
Ang tamang syllogism ay may taglay na tamang premises ay ganito,
Si Lowed Montebon ay tao,
Si Lowed Montebon ay may boses,
Kaya ang boses ni Lowed Montebon ay boses ng tao.
HINDI TAO ANG BOSES KUNDI BOSES ITO NG TAO.
KAYA ganito ang TAMA na MINALI ni Lowed Montebon
Ang Dios ay Espiritu,
Ang Dios ay may boses,
Kaya ang boses ng Dios ay boses ng Dios. na siyang Espiritu.
HINDI DIOS ANG BOSES KUNDI BOSES ITO NG DIOS NA SYANG ESPIRITU.
REBUTTAL TO MY OPPONENT Lowed Montebon's ANSWER #5:
Mas lalong luminaw sa sagot ni Lowed Montebon sa ika lima kong katanungan ng paglilinaw na walang alam sya tamang pagamit ng proper syllogism o bagsak ang kaniyang logic.
Hindi nga naman matawag na Dios ang boses ni Lowed Montebon dahil tao sya. Mas lalong hindi rin pwedeng tawaging TAO ang boses ni Lowed Montebon kahit tao sya kundi “boses ito ni Lowed Montebon” at siya ang tao hindi ang boeses niya. Ganun din sa LOGOS o panukala ng Dios. Hindi sinabi ng orginal manuscript na ito ay Dios kundi “panukala ito ng Dios” na syang kasama o naroon na mula palang sa simula na nasa isipan na ng Dios.
ITATATAMA ANG MALI ni Lowed Montebon sa tinawag nyang analogy daw.
“Kung Ako ay DIYOS syempre Ang SALITA ko ay DIYOS.” - MALING MALI ITO.
ITO ANG TAMA.
“Kung Ako ay DIYOS syempre ang SALITA ko ay salita ng DIYOS.”
MALING MALI
Kung TAO si Lowed Montebon, ang SALITA ni Lowed ay TAO.
ITO ANG TAMA
Kung TAO si Lowed Montebon, ang SALITA (plano) ni Lowed Montebon ay SALITA (plano) ng TAO.
MERON NGA NAMAN ANALOGY SI LOWED Lowed Montebon KASO HINDI TAMA. MALINAW NA WALANG ALAM SI LOWED MONTEBON SA KUNG ANO ANG TAMANG PAGAMIT NG ANALOGY O BAGSAK ANG KANIYANG UNAWA SA TAMANG LOGIC o REASONING.
REBUTTAL TO MY OPPONENT Lowed Montebon's ANSWER #6:
Sinabi ni Lowed Montebon na “there are two entities join in ONE BODY” daw. Ang entity ay nangahulugang – “body, thing, being, individual, person, creature”. So, ang ibig sabihin ni Lowed Montebon na ang body, thing, being, individual, person, creature” ay join in ONE BODY at ito raw si JESUS. Si JESUS pala ay DALAWANG body, being, individual, person, creature joined o pinag-isa sa ISANG KATAWAN o in ONE BODY? Maling mali ito. Si Cristo Jesus ang ONLY PERSON of God malinaw na sinabi ni Pablo sa Heb. 1:3 at hindi siya o may dalawa siyang entity at walang turo ang ganun ang Oneness of God believers kundi si JESUS ay may dalawang kalikasan o nature HINDI entity o (body, person, creature).
May sinabi ba ang Isa. 9:6 na ang SON ay ang Everlasting FATHER? WALA! Ang Isa. 9:6 ay hula na tumugon din at umaayon sa lahat ng mga mga hula na darating ang Dios at ihahayag niya ng kaniyang nag-iisang PANGALAN sa takdang panahon. Malinaw na sinabi ng hula ni propeta Isaias na may darating na batang ibibigay sa bayan ng Israel bilang pinakanda at ang KANIYANG PANGALAN ay tatawagin, o kilalalin kapag ito ay nahayag na, na …. Makapangyarihang Dios, … WALANG HANGGANG AMA.
MALINAW na hindi ang bata (na may simula at may nagbigay nito at buhat ito sa Walang Hanggang Ama o Amang walang simula), KUNDI, ihahayag sa pamamagitan nito o ng bata (kaganapan ng LOGOS o panukala ng DIOS sa pagliligtas) ang isang PANGALAN ng PANGINOONG DIOS na siyang tatawagin o kilalaning siya ang “Kamangha mangha, Tagapayo, Makapangyarihang Dios, WALANG HANGGANG AMA, Prinsipe ng Kapayapaan” pagdating ng takdang panahon.
REBUTTAL TO MY OPPONENT Lowed Montebon's ANSWER #7:
Ang Philippine Bible Society (PBS) daw na Bible translation ang sinabi ni Lowed Montebon kung saan mabasa ang pagkalimbag sa tagalong ng Jn. 1:14 na nag-sasabing “…naging tao ang Dios…”Maling mali ito at tunay ngang walang alam si Lowed Montebon sa mga pinagsasabi niya’t tamad lang siyang magsaliksik ng katotohanan. Ang PBS ay isang Publishing House hindi Bible translation. Ang reference na ginamit nya ay ang “Magandang Balita Biblia” na nalimbag lamang noong taong 2005 at ito malayo na sa ibang Bible translations ng nauna nito, at ipinipilit ng version na ito’ng sabihin na “naging tao” daw ang Dios, samantalang hindi ganun ang pagkasabi ng mga matatandang translation. Ang Dios ay Espiritu, paano ito magpalit ng anyo at magiging tao o sa ibang katawagan ay mutation o transformation. Ginawa ng mga Trinitarian translators ang DIOS ay mutant o transformer na siyang pinanigan din ni Lowed Montebon sa malinaw na kadahilanang nais lang palabasin nilang may DIOS ANAK daw.
Sa textual Criticism dahil sinabi ng Bible translations na pinapaboran ni Lowed Montebon, na ang DIOS ay NAGING TAO daw, ay malayong malayo sa mga nauna at lumang mga Bible translations na nagsasabing “… si Cristo Jesus ay naparitong ayon sa laman” o “Jesus Christ is IS COME IN THE FLESH” not “Jesus Christ became flesh” na sumasang-ayon din sa sinabi ni Pablo sa 1 Tim. 3:16 na ang Dios ay nahayag sa laman HINDI nagkatawang tao ang Dios.
Mas lalong malinaw sa Greek Mansucript na HINDI sinabi nitong si Cristo JESUS ay NAGING TAO, o ang DIOS ay NAGKATAWANG TAO, kund, si Cristo Jesus ay naparitong ayon sa laman, o ang DIOS ay nahayag sa laman o kay CRISTO (visible) nakita, nasaksihan, nasilayan ang DIOS (invisible). CHRIST (Flesh) is the visible representation of the invisible GOD (Spirit). Col. 1:15
ANALYSIS:
MALINAW MULI NA HINDI ALAM NI Lowed Montebon ANG KANIYANG MGA SINASABI AT MALABO NA SABIHING SIYA AY PANIG SA KATURUAN NG ONENESS OF GOD BELIEVERS YAMANG PINATUNAYAN NG KANIYANG PANGANGATWIRAN NA PANIG SIYA SA TINDIG NG MGA TRINITARIANS NA ANG DIOS DAW AY NAGIGING TAO o NAGIGING LAMAN UPANG ITO AY GAMITIN PATIBAYIN ANG ARAL NA DIOS ANG TAO, DIOS ANG LAMAN, DIOS ANG ANAK NG DIOS NA KAHIT KAILAN HINDI BINANGGIT O PINATUNAYAN NG 40 BIBLE WRITERS FROM GENESIS TO REVELATION.
REBUTTAL TO MY OPPONENT Lowed Montebon’s ANSWER #8
Napatunayan na sa sagot ni Lowed Montebon sa ikapito kong katanungan na wala siyang alam sa mga sinasabi nya’t dahil ang Philippine Bible Society ay hindi Bible translation kundi Publisher ito at ang ginamit nyang version na tagalog ay ang version pala ng Magandang Balita Biblia o MBB na nalimbag na lang noong 2005 at halaw sa impluwensya ng CEV na halatang malayong malayo na sa mga lumang version at lalo sa Greek manuscript mula sa “… has come in the flesh” or “… naparitong ayon sa laman” ay nagiging “became flesh” or “naging laman” na halatang Trinitarian bias upang bigyang buhay ang huwad na aral na hindi binanggit o itinuturo ng Biblia na DIOS Anak o DIOS ang Anak.
Narito ang original Greek translation ng John 1:1 na magpapatunay na halaang Trinitarian bias ang translation na pinapaboran ni Lowed Montebon para lamang ijustify ang huwad niyang aral na natutunan.
John 1:1 -- “In the beginning was the Word, and the Word was with GOD, and the Word was GOD.” --
If this translation is correct, then there were two GODs co-existing in the beginning -- GOD and the Word-GOD! It must be wrong; two GODs are impossible. Batay sa lahat ng Greek manuscripts ang proper rendition of John 1:1 is: “… and GOD was the Word.” (1394 Wycliffe Bible)
“En archee en ho Logos, kai ho Logos en pros ton THEON, kai THEOS en ho Logos.” “…καιG2532 AND θεοςG2316 GOD ηνG2258 [G5713] WAS οG3588 THE λογοςG3056 WORD.”
Malinaw muli na ang paratang ni Lowed Montebon na tawagin akong “anti-Cristo” daw ay walang bearing o walang pinanggagalingang pruweba kundi gawa gawa lamang o huwad na paratang lamang ni Lowed Montebon.
REBUTTAL TO MY OPPONENT Lowed Montebon’s ANSWER #9
Nilinaw muli ni Lowed Montebon sa sagot nya na ang pangalan daw ng AMA ay JESUS Christ din na siyang pangalan ng Anak din. Ang salitang “Christ” ay hindi pangalan kundi katawagang ikinakabit sa pangalang JESUS (ang revealed name of God of OT to NT) na inihayag ng anghel sa pamamagitan ng batang isinilang, ang katuparan ng hula at panukala ng Dios sa pagliligtas ng dumating ang takdang panahon. Isa. 9:6; Matt. 1:21; John 1:14; Gal. 4:4.
Ang salitang “Christ” ay mula mismo sa Hebrew na salitang “Mashiac” meaning “Messiah” na “Sugo ng AMA” o “Pinahiran ng AMA” tumutukoy specifically sa Anak ng DIOS na pinanganak ng isang babae, ang LAMAN o ang paganap ng DIOS sa mode ng pagiging ANAK hindi ng pagiging AMA.
Ang pangalan ng AMA ay JESUS Christ din daw o ang AMA ay siyang Cristo din o ang Anak ng Dios, LAMAN. Sa madaling salita, paniniwala ni Lowed Montebon na ang AMA ay ang Anak din na siyang napako sa krus na hindi paniniwala ng mga totoong adherent ng “Modalistic Monotheist Monarchism” kundi ng Patripassianism. Ito ay muling salungat muli sa pinatotohanan ni Lowed Montebon na hindi siya naniniwala daw na ang AMA ay ang ANAK ngunit naniniwala siya na ang AMA ay ang ANAK din pala.
ITO AY PATUNAY LAMANG NA WALANG MALINAW NA TINDIG ITONG SI Lowed Montebon SA ARAL NYANG DALA!
REBUTTAL TO MY OPPONENT Lowed Montebon’s ANSWER #10
Naniniwala pala si Lowed Montebon na Iisa lamang ang TUNAY na DIOS at walang iba ang AMA. Pumanig siya sa tindig ko imbis kuntrahin nya ito dahil ito ay laban mismo sa gusto nyang patunayan.
Sa bandang kalagitnaan ay binawi nya ang kaniyang sinabing paniniwala na Iisa lamang ang TUNAY na DIOS at walang iba ang AMA at nalilito na naman siya ng mabasa nya ang Juan 17:3 sa version ng mga Trinitarian translators na salungat sa kabuohang unawa na walang may pagsang-ayon sa marami pang mga talata dahil ang AMA pala ay may kasama ng iba pa, ang Anak na tinawag ni Lowed Montebon na Dios din bukod sa AMA na nagsugo sa Anak.
Hango sa Greek manuscript at kung sinisiyasat lamang sana ito ni Lowed Montebon ang katotohanan nito ay kaniyang makikita na walang talatang sumalungat nito kundi isa ang sinasabi, na ang TUNAY na DIOS ay ang AMANG nagsugo sa ANAK, hindi ang ANAK na sinugo ng AMA especially to God's MODE of operation to salvation.
MALINAW muli na nagparatang na naman ng huwad si Lowed Montebon sa akin ng sabihin nyang “Pati si Carl Cortez bilang pagpapatunay na si JESUS CHRIST ay hindi Diyos kundi SINUGO lamang” sa dahilang sa kaniya galing ang mga statement na ito at hindi akin o hindi mababasa ito mula sa constructive presentations ko o maging tugon ko sa mga katanungan nya.
REBUTTAL TO MY OPPONENT Lowed Montebon’s ANSWER #11
Sa sagot ni Lowed Montebon sa ikalabing-isa kong tanong ay lumalabas ang malabong argument nya tungkol sa magkasalungat nyang pahayag na naniniwala siyang:
Una) meron lamang isang Dios na siyang AMA lamang na ginamit nya ang Mal. 2:10 at 1 Cor. 8:6, hindi pala ang ANAK na pabor sa tindig ko at
Pangalawa) Sinabi nyang ang AMA ay hindi ang ANAK at ang ANAK ay hindi ang AMA pabor ulit sa tindig ko batay sa modes of God’s operation.
Pangatlo) “SILA” ang gamit nyang pantukoy sa AMA at ANAK na plural in form na sa makatuwid tumutukoy sa dalawang magkahiwalay na kalagayan o pabor sa aral ng Trinitarians na mga persona na kumakalaban sa aral ng Monotheistic Modalism na SYA hindi SILA, ang nag-iisang DIOS na gumaganap lamang sa mga roles bilang AMA at ng ANAK.
Pang-apat) Pilit namang kinontra ni Lowed Montebon ang mga pahayag niya na ito sa kaniyang sagot ng sabihin nyang:
– Ang ANAK ay siya rin ang AMA (the SON is “also” the FATHER) na salungat sa una nyang pahayag na ang AMA ay hindi ang ANAK.
REBUTTAL TO MY OPPONENT Lowed Montebon’s ANSWER #12
Hindi nasagot ng direkta ni Lowed Montebon ang aking tanong dahil alam nyang naiipit na siya. Sa katunayang wala siyang maipakitang pruweba na binanggit ang DIOS ANAK sa lumang tipan, dinaan nya ito sa palusot na ang DIVINE SPIRIT daw ng ANAK na DIOS ay ang naroon na bago pa lang si Abraham na hindi ugma sa aking katanungan.
ITO ANG MGA PUNA AT SABLAY NA SAGOT NI Lowed Montebon:
Una) Hindi nya naestablish o napatunayan na may ANAK na DIOS sa OT na nag-exist o binanggit man ng kahit isang beses.
Pangalawa) Wala ding pruwebang mapakita si Lowed Montebon na binanggit sa OT na ang Anak ng DIOS daw ay may DIVINE SPIRIT.
Pangatlo) Ang DIVINE SPIRIT na sinabi nyang tumutukoy sa Espiritu ng DIOS (AMA) ay pabor sa aking constructive argument na nananahan sa Anak/Tao o Cristo.
Pang-apat) Hindi napatunayan at naitindig ni Lowed Montebon sa kaniyang mga kasagutan na ang ANAK ng DIOS na sinasabi din nyang tumutukoy sa TAO o LAMAN ay DIOS, kundi ang Espiritu pala ng DIOS na nasa Anak ng DIOS ang DIOS, hindi ang TAO o ang Cristo.
REBUTTAL TO MY OPPONENT Lowed Montebon’s ANSWER #13
Sablay na logic at unawa ni Lowed Montebon muli ay nakita sa sagot nya sa tanong kong pang labing tatlo.
GAMIT ang ang halimbawa ng dalawang bagay na inihambing ni Lowed Montebon sa DIOS at TAO o sa AMA o ANAK. Hindi raw pwedeng paghiwalayin ang dalawang bagay na baso at tubig dahil ang gusto nyang palabasin ay baso daw ito na puno ng tubig.
FACTS that Lowed Montebon destroyed:
Una) Ang baso ay iba sa tubig at ang tubig ay iba sa baso o hindi ito isang bagay kundi dalawang magkahiwalay at magkaibang bagay. Ang baso ay hindi tubig at ang tubig ay hindi baso.
Pangalawa) Ang tubig ng hindi pa ito naibuhos sa baso ay hindi matatawag na basong puno ng tubig at ang baso ng hindi pa ito napuno ng tubig ay hindi rin matawag na basong puno ng tubig kundi baso lamang na hiwalay at iba sa tubig vice versa.
Pangatlo) Granting na ang baso ay tumutukoy sa TAO o Cristo/laman at ang tubig ay tumutukoy sa DIOS. Malinaw na ang TAO(baso) ay hindi DIOS (tubig) at ang DIOS (tubig) ay hindi TAO (baso). Ang AMA na siyang DIOS (tubig) ay hindi ang ANAK na siyang TAO (baso) at ang ANAK ay hindi ang AMA.
Pang-apat) Ang baso ay napuno lamang nag tubig ng ibinuhos na ang tubig sa baso. Ang Anak ng DIOS na wala pa sa OT at nagsimula lamang ito ng naipanganak sa isang babae ng dumating ang takdang panahon at tinawag, ipinakilalang sa kaniya nananahan o nahayag ang buong katangian, ang buong larawan ang buong kapuspusan ng Dios ng dumating ang takdang panahon. Hindi sinabing ang ANAK ay DIOS kundi sa ANAK/CRISTO nahayag ang buong kapuspusan ng pagka DIOS o ang buong kapahayagan ng DIOS. Ang BASO (tao) na napuno ng tubig (DIOS).
MALINAW NA ANG AMA ANG TUNAY NA DIOS NA NASA ANAK/LAMAN o NAHAYAG SA LAMAN! HINDI ITO SEPARATE PERSON NA SABLAY NA PARATANG NI Lowed Montebon KUNDI SEPARATE MODES or ROLES of GOD’S OPERATION.
REBUTTAL TO MY OPPONENT Lowed Montebon’s ANSWER #14
Sablay na logic at unawa ni Lowed Montebon muli ay nakita sa sagot nya sa tanong kong pang labing apat.
Una) Sinabi ni Lowed Montebon na ang AMA ay ang ANAK rin o “the FATHER is “ALSO” the SON na hindi raw magkahiwalay sabi nya “Kung magkahiwalay sana ang AMA at ang ANAK na si JESU-CRISTO eh di ang nangyari may Dalawang TUNAY na mga DIYOS.”
Hindi binanggit ni Lowed Montebon sa pontong ito ng kaniyang pagkasabi na si JESUS ay both TAO at DIOS o may “dual nature” samantalang alam naman nyang ito rin ang tinitindigan ko. Sa aral ng Monotheistic Modalism o magkahiwalay na ROLES o MODES of God’s operation, hindi pala ito ari dahil lalabas palang may dalawang TUNAY na mga DIOS daw ayon na rin sa pahayag nya. Malinaw na gusting panindigan ni Lowed Montebon na ang AMA ay ang ANAK rin. Para kay Lowed Montebon ang AMA ay hindi magkahiwalay sa ANAK, lalabas muli na ang AMA din ang napako sa Krus na pilit namang itatanggi ni Lowed Montebon. Itinatanggi nya palang ang AMA ay hindi ang ANAK dahil ang ANAK ang napako sa KRUS o ang LAMAN, ang TAO, ang CRISTO na sinugo ng AMA hindi ang AMA na DIOS na nagsugo sa ANAK. Patunay lamang ito na walang matibay na tindig ang aral ni Lowed Montebon na pabago bago at laban laban ang kaniyang pahayag.
Pangalawa) Sa mga pahayag ni Lowed Montebon sa sagot nya sa tanong ko, muli nyang sinabing ang namatay daw ay ang katawan o ang Anak na tumutukoy sa Cristo o sugo ng Ama, hindi pala ang AMA na siyang Espiritu na nagsugo sa Anak o nanahan sa Anak. Hindi muling napatunayan ni Lowed Montebon na ang Anak ay DIOS o ang bumuhay sa patay kundi ang Anak ang namatay, ang tao, ang Cristo na sugo ng AMA kundi ang DIOS o ang AMA ang bumuhay sa Anak na namatay.
Pangatlo) Hindi ulit napatunayan ni Lowed Montebon na ang ANAK ay DIOS na sugo ng AMA kundi ang AMA na nagsugo sa ANAK batay muli sa malinaw na tindig ng Oneness of God adherent na Monotheistic Modalism.
REBUTTAL TO MY OPPONENT Lowed Montebon’s ANSWER #15
Hindi sinagot ng tama ng aking katunggali ang aking huling katanungan bagkus siya ay gumawa ng eksenang labas sa aming pinag-uusapan na agreed proposition kung Dios ba ang Anak. Ginamit nya ang video clips ng General Superintendent na si DKB na nagtuturo sa isang lecture event na ang topic ay tungkol sa kung sino si JESUS, hindi sa kung ano ang Anak ng Dios, o ano si Jesus bilang Cristo o bilang tao. Dahil dito, pinagbigyan syang umayos dahil sa hindi nya pagtugon ng tama at sa hindi nya pagtupad sa rules ng formal debate at dahil sa pamemersonal "personal attack and labeling" nya o Ad Hominem.
Lantad muli ang pagkakalat ng aking katunggali ng mali nyang pag-uugali sa pag-aaral ng mga kasulatan at dito nya tinapos ang huli kong katanungan kaniyang ipinakilala ang kaniyang pagiging unpro at pagiging nagmamarunong na novice lamang.
1) Sa kaniyang revised answer to my last question, hindi nya muli na intindig at napatunayan na ang UPC ay nagtuturo ng aral nyang dala na Dios ang Anak o naniniwala ito sa God the Son doctrine o teachings.
2) Halatang sa pagkakataon lamang na ito inaral ng aking katunggali at wala siyang malinaw na unawa kung ano ang aking itinanong sa kaniya tungkol sa Modalistic Monarchism o Monarchic Modalism na siyang tindig ng UPC dahil nag- copy/paste lamang sya mula sa google.
3) Sa copy/paste nya mula sa google tungkol sa Modalism ay pinili nya muli ang definition ng mga trinitarians dito dahil sa pag iemphasize ng salitang three persons listed daw in the Bible at tinawag itong modes or roles samantalang hindi ito tanggap ng UPC apologists dahil walang 3 persons listed in the Bible.
Comments
Post a Comment